Isang napakalaking opportunity na nakapag-serve ako sa China Hong Kong Mission. Nagkaroon ako ng chance na makilala ang mga Overseas Filipino Worker. Isa sa mga faithful sister na nakilala ko ay si Vilma Mercines. Siya ay nakatira sa Pangasinan. Nanay siya ng kanyang limang anak.
Malaking sacrifice sa kanya ang magtrabaho ng malayo sa piling ng kanyang pamilya. Nagdecide siyang magtrabaho sa Hong Kong para makapag-aral ang kanyang mga anak.
Nabaptize siya sa simbahan noong September 18, 2011. Lubos ang pasasalamat niya sa mga biyayang kanyang natanggap nang malaman niya ang tungkol sa simbahan at sa ebanghelyo ni Jesus Christ. Pagkalipas ng isang taon ay nabinyagan din ang kanyang mga anak noong October 2012.
Nakilala niya ang church sa pamamagitan ng kanyang sister- in law. Parati siya nitong iniimbitahan tuwing first Sunday of the month para magsimba. Nagkakaroon siya ng chance na mapakinggan ang testimony ng mga miyembro ng simbahan. Hanga siya sa lakas at katatagan nila sa pagharap sa kani-kanilang mga pagsubok sa buhay.
Alam niya ang hirap at pakiramdam na mawalay sa pamilya para lamang magtrabaho at maitaguyod ang kinabukasan ng mga anak. Sa sunod na pagkakataon na pag-attend niya ng church service ay tinanggap na niya ang invitation ng mga missionary na makapag-share sa kanya.
Sa paglipas ng mga araw unti-unti niyang nalaman sa kanyang sarili na totoo ang simbahan at ang Aklat ni Mormon. Nakita niya ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay. Naging magaan sa kanya ang pang-araw araw na trabaho at mas naramdaman niya ang kasiyahan sa kanyang buhay. Nangarap din siyang maging misyonero ang kaniyang mga anak at makatulong sa iba katulad ng kung paano binago ng ebanghelyo ni Jesucristo ang buhay niya at ng kanyang pamilya.
Hindi nagtagal ang kanyang pangarap ay nagkaroon ng katuparan. Ang isa sa kanyang mga anak ay isang misyonero na ngayon at nagseserve sa Philippines San Pablo Mission.
Isang malaking miracle para sa kanya ang matagpuan ang simbahan at tanggapin ang ebanghelyo ni Jesucristo. Alam niyang hindi madali ang mga bagay-bagay ng kanyang pagdaraanan sa buhay na ito ngunit malakas ang kanyang pananampalataya at paniniwala na hindi siya pababayaan ng Diyos. Para sa kanya hindi lamang pera ang naibigay niya sa kanyang mga anak para sa isang magandang kinabukasan ngunit pati narin ang pangespiritwal.
Maligaya siya na active ang kanyang mga anak sa simbahan at panatag ang kanyang kalooban na kahit malayo siya ay may gabay parin ang kanyang mga anak sa araw-araw.
Naniniwala siya na ang pamilya ay maaaring magkasama ng pangwalang hanggan. Patuloy din siyang umaasa ng balang araw ay malalaman din ng kanyang asawa ang katotohanan ng ebanghelyo at makakasama nila ito sa simbahan.
Masaya ako para sa naging desisyon ni Vilma at alam kong marami pang darating na biyaya sa kanyang buhay dahil sa pagsunod niya sa mga kautusan ng Diyos. Alam ko na ang ebanghelyo ni Jesucristo ang sagot sa lahat ng ating mga katanungan sa buhay at ang pagsunod natin sa kautusan ng Diyos ang magiging sagot sa lahat ng kahirapan at pagsubok sa buhay.