Hey Joe Show

Mormon Newsroom Philippines’ Anniversary

Mula sa libu-libong views, likes at shares ng invitation para sa Hey Joe Show, dumating na rin ang pinaka-aabangang araw ng mga pinoy fans. Noong August 24, nag-celebrate ang Mormon Newsroom Philippines ng kanilang anibersaryo. Tampok sa nasabing event ang mga proyekto ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints. Nagpakitang-gilas din ang iba’t ibang indibidwal at grupo ng mga kabataang Mormons ng kanilang mga talento sa Pre-show ng event na ito. Isa sa mga layunin ng Newsroom ay i-feature ang buhay ng mga karaniwang tao, ang kanilang mga pinagdadaanan sa buhay, pagpapahalaga sa pamilya, humanitarian service at mga faith-promoting experiences. Ang #MyStory ang social media campaign na sinimulan nila noong August 5 na nagcha-challenge sa mga fans na magpost ng kanilang pictures at mag-share ng kanilang inspiring stories.

LDS Humanitarian Service

Bukod sa kasiyahang naramdaman ng mga fans, naantig din ang kanilang damdamin sa mga videos tungkol sa pagsisilbi sa iba. Ilan sa mga proyekto na itinampok sa mga videos ay ang pagbibigay ng school kits sa mga kabataang Lumad at ang pagbangong muli ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Isa sa mga tanong sa audience ay “Bakit importante na tumulong sa iba?” Ibinahagi ni Kenneth ang kanyang paniniwala na lahat tayo ay magkakapatid kaya mahalaga na tumulong tayo sa isa’t isa at ito ay isa sa paraan upang sundin natin ang kautusan ni Jesucristo. Ipinaliwanag din niya na ang pagtulong sa iba kahit sa simpleng paraan ay malaking bagay rin. Sinabi naman ni Kaye na “it gives me the happiness na hindi ko nakukuha sa ibang materyal na bagay… Kapag tumutulong ako, may fulfillment. It just makes me happy…”

 

Pre-show Talents

 

Sa isang interview kay Enos tungkol sa kanyang nararamdaman bilang host sa nasabing event, ipinahayag niya na ang pinaka-point nito ay ang pagsheshare ng kanilang mga talents na ibinigay ng Diyos sa kanila. Hindi man nakasama ni Enos ang kanyang asawa sa event, inspired na inspired pa rin siya dahil naalala niya ang kanyang asawa na nagsabing gawin ito para sa kanya. Sinabi rin niya na “It is a privilege and an honor and a great blessing to be part of this event.” Ganito rin ang nararamdaman ni Gerry na isa sa mga vocalist ng Proselytes. Sinabi niya na gusto niyang ibahagi sa iba ang talento na meron siya mula sa Panginoon upang mainspire din ang iba sa faith na meron siya bilang isang Mormon.

 

Hey Joe Show

Hey Joe Show

Hey Joe Show Singing Cebuano Song

 

At sa wakas! Dumating rin ang pinakaaabangan ng mga fans… Ang Hey Joe Show!!! Napuno ng sigawan at palakpakan ang Eastwood Central Plaza nang dumating ang limang naggagwapuhan, kinakikiligan at talented na mga Kano. Hanggang-hanga ang mga fans dahil sa kanilang bisaya/tagalog entertainment. May mga ilan na napadaan lang at napatigil nang marinig at makita ang performance ng Hey Joe Show. Sinabi ni Clamaine na nacurious siya dahil foreigner sila. Isa sa mga nakausap namin ay taga-Taiwan, si Linda, first time niyang mapanuod sila at sinabi niyang “I feel like this is a good quality… even the host is very good!” Idinagdag ni Zaldy na pumunta siya para suportahan ang Hey Joe Show dahil churchmate niya sila. Meron ding mga fans na pumunta dahil sa ibang kadahilanan gaya ni Miren, “Meron akong hidden agenda kasi ung isa sa kanila si Tylan, asawa niya ung isa sa members ng favorite band ko yung Gardiner Sisters, so gumawa ako ng letter at ipapaabot ko sa kanya kasi sobrang fan nila ako.” Syempre hindi magtatapos ang gabi kung hindi makakapagpa-selfie at groupie ang mga fans kasama ang Hey Joe Show.

Hey Joe Show Meet and GreetHey Joe Show Meet and Greet

Hey Joe Show

Photo Credits by Mormon Newsroom Philippines

 

Behind the Scenes

Salamat Mormon Newsroom Philippines at sa lahat ng tumulong at nagsikap upang maging successful ang event na ito! Karamihan sa mga staff dito ay volunteers. Maraming-maraming salamat sa inyong lahat!

 

Public Affairs staff 2 staff 3 staff