Marami siguro sa atin ang nakapagtanong na sa ating mga sarili kung bakit parin tayo nakakaexperience ng adversity o kahirapan sa kabila ng pagsusumikap nating maging mabuti at gumawa ng tama.
Maraming pagkakataon na natutukso tayong itanong o magkomplain sa Diyos kung bakit tayo nakakaranas ng paghihirap sa kabila ng ating mabuting hangarin.
Sa isang aklat na aking nabasa sinabi ni President Thomas S. Monson na, “Life is a school of experience, a time of probation …” Hindi tayo perfect at ganun din ang lahat ng nasa paligid natin. Lahat ng mga bagay sa buhay na ito ay temporary lamang. Ang mundo ay ibinigay sa atin upang tayo ay matuto at lumago.
Ngunit minsan kapag dumarating ang mga kahirapan sa buhay ay nagkakaroon tayo ng tendency to feel detached or even isolated sa ating mapagmahal na Ama sa Langit. Parati tayong nag-aalala na baka wala ng katapusan ang ating mga paghihirap.
Pero bakit nga talaga nakakaexperience pa ng adversity kahit ang mabubuting tao? Sa aking pag-aaral at pagtatanong sa iba ng kanilang mga karanasan ay mayroon akong ilang mga bagay na mas naunawaan.
First, nakakaexperience parin ang mga mabubuting tao ng paghihirap dahil sa choices ng mga tao sa kanilang paligid. Ito ay mga bagay na hindi natin basta makontrol dahil ang bawat isa sa atin ay may kalayaang pumili para sa ating mga sarili. Halimbawa na lamang ng isang mabuting ina na walang ibang hangad kundi ang mapalaki ng maayos ang kanyang mga anak ngunit mas pinili ng kanyang anak ang opposite sa lahat ng mga bagay na kanyang itinuro. Masakit para sa isang magulang ang talikuran siya ng kanyang anak.
Second, madalas ang mga adversity sa buhay natin ay natutulungan tayong mastrengthen or madeepen ang foundation ng ating faith and testimony. Sa pamamagitan ng mga pagsubok nagiging mas matatag tayo. Nagkakaroon tayo ng chance na makita natin ang ating mga potensyal at makilala ang ating sarili.
Third, sa oras ng ating mga pagsubok nagagawa nating maexercise ang dalawa sa mga pinakamahalagang attributes ni Jesus Christ which is patience and obedience. Sinabi nga ni President Thomas S. Monson, “Life is full of difficulties, some minor and others of a more serious nature. There seems to be an unending supply of challenges for one and all. Our problem is that we often expect instantaneous solutions to such challenges, forgetting that frequently the heavenly virtue of patience is required.”
Fourth, we learn to have a perfect love and compassion unto others. Dahil alam natin ang pakiramdam nagkakaroon tayo ng desire to offer our service sa iba ng hindi nanghuhusga at walang hinihingi anything in return. Just like our Savior, He suffered in a way that gave Him a perfect understanding of all our pains and afflictions that He might have mercy and know how to help us in our infirmities.
Fifth, sometimes ito ang way ng Diyos to prepare us for something bigger na darating in the future or maaaring responsibilities na ibibigay Niya para sa atin. Katulad ni Prophet Joseph Smith naexperience niya ang maraming paghihirap para maihanda siya ng Diyos sa kanyang magiging tungkulin bilang propeta.
Narealize ko na anuman ang katayuan natin sa buhay na ito ay entitled tayong lahat maexperience ang adversity. Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay higit pa sa inaakala natin. Nais Niyang maging malakas ang ating mga tuhod na tumayo muli kahit maraming pagkakataon tayong nadarapa, maging buo at matatag ang ating mga puso kahit ilang beses na itong nawasak at nasaktan.