Ilang oras na lang bago mag-pasko. Nakabili ka na ba ng regalo mo? O isa ka sa nagka-cram sa pag-iisip kung ano ang ireregalo sa mga ka-pamilya at mga kaibigan mo? O baka nakabili ka na pero hindi ka sure kung yun ba talaga ang ibibigay mo?
Ayon sa artikulong “Thoughtful Gifts”, masasabi mong the best ang regalo mo kung ito ay mayroong tatlong katangian:
- Praktikal na kagamitan (practical utility)
Sa pagbibigay natin ng regalo sa iba, isipin natin kung magagamit ba nila ito o makakabuti ba ito sa kanila? May mga pagkakataon din na kailangan nating timbangin ang gusto nila sa kailangan nila. Bukod sa kasiyahang mararamdaman nila, paano ito makakatulong sa kanila?
Mga simpleng halimbawa: planner- para sa mga taong mahilig mag-organize; gamit sa kusina- para sa mahilig magluto o gustong matutong magluto; mask- para sa sakitin; office/school supplies para sa mga estudyante
- Personal na halaga (personal value)
Mahalaga ba ang ibibigay ko sa kanya? Magugustuhan ba niya ito? Kagaya ng naunang katangian, ang best gift ay may personal na kahalagahan sa taong pagbibigyan mo. Hindi masasayang at makakatulong sa buhay nila. Tanungin natin ang ating sarili, binibili ko ba ito para sa kanya o para sa akin? Sa pagpili natin ng regalo, ang taong pagbibigyan ang i-pokus natin.
- Makahulugan (symbolic meaning)
Naranasan mo na ba na may nakita kang bagay at may taong pumasok sa isipan mo? Sa katangiang ito ng pagreregalo, dito papasok ang creativity mo. Ano ang sinisimbulo ng iyong gift? Bakit iyan ang naisip mong ibigay sa kanya?
Ang mga katangiang nabanggit ay gabay lamang sa pagpili ng ireregalo ngayong pasko. Tandaan na ang best gift na pwede mong ibigay sa iba ay hindi nasusukat sa presyo kundi sa kung gaano ito nagmula sa iyong puso!
Merry Christmas!!!
Ano ang best gift na natanggap mo ngayong pasko? I-share ang favorite gift mo sa amin 🙂